LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng walong volcanic earthquakes sa bulkang Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na magdamag.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nagpapatuloy pa rin ang ground deformation o pamamaga sa naturang bulkan.

Maliban dito ay naitala noong Mayo 20 ang nasa 30 toneladang pagbuga ng sulfur dioxide.

Matatandaan na ang Bulusan volcano ay nananatili pa rin sa alert level 1 kung kaya mahigpit ang paalala ng mga kinauukulan na iwasan ang pagpasok sa 4km permanent danger zone.