Lumabas sa Pulse Asia survey na walo sa kada sampung Pilipino ang pabor na ipagbawal ang cellphone sa mga paaralan.
Ito matapos ang panukala ni Senator Sherwin Gatchalian na ipagbawal ang paggamit ng cellphone sa loob ng school premises para sa mga Kindergarten hanggang Senior High School, lalo pa tuwing class hour.
Sa naturang survey, 76% ng mga Pinoy ang nagsabi na makakatulong ang pag-ban ng cellphone sa mga paaralan.
Nasa 13% ang hindi sang-ayon sa naturang panukala habang 11% ng respondents ang undecided.