LEGAZPI CITY – Patay ang isang 75-anyos na lolo matapos na malunog sa ilog ng Dulong Bayan Barangay It-ba, Manito, Albay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PCMS Carlos Paña, assistant investigator ng Manito MPS, posibleng sinubukang tumawid ng biktima sa naturang ilog subalit hindi nakayanan dahil sa malakas na agos ng tubig.

Nakaranas kasi nitong mag nakaraang araw ng malakas na pag-ulan sa lugar.

Isa pa sa tinitingnang anggulo ay pinulikat ang matanda habang nasa tubig at hindi na nakabangon dahilan upang malunod.

Ayon kay Paña, tatlong kabataan ang nagtulungan upang madala sa gilid ng ilog ang katawanan ng biktima.

Sinubukan pa aniya itong isugod sa ospital subalit ideneklara na dead on arrival ng mga doktor.