LEGAZPI CITY – Patay ang isang lola matapos na gahasain ng apo sa Brgy. Jangan, Balud, Masbate

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PMaj. Renier Teofilo hepe ng Balud Municipal Police Station, isang 71-anyos ang biktima habang 18-anyos naman ang suspek na parehong residente ng naturang lugar.

Una ito ay lasing ang suspek ng pumunta sa lola upang mangutang ng pera subalit hindi ito pinagbigyan.

Ayon kay Teofilo, nang maaresto ang 18-anyos na suspek ay inamin mismo na biglang nandilim ang paningin ng tanggihan ng lola dahilang upang sakalin ito at dalhin sa masukal na bahagi ng lugar na malapit lang sa bahay ng biktima.

Dito na ginawang gahasain at patayin ang kanyang lola saka itinago ang bangkay sa madamong bahagi ng lugar.

Bandang alas-9:00 ng umaga ay nawawala na ang biktima at hapon na ng magtapuan sa pinagtupunang lugar na may mahigit 40 meters ang distansya mula sa kanilang bahay.

Sinabi ng opisyal na dati ng may record ang suspek sa barangay dahil sa mahilig sa gulo at manitin ang ulo.

Samantala , kasong rape with homicide ang kakaharapin ng suspek.