A 7-year-old girl was raped in Hda Carmen, Brgy Granada, Bacolod City by a man who was a stranger to the area. In an interview with Bombo Radyo Koronadal, Barangay Chief Armando Vito said that on June 29, at around 4:00 p.m., the 9-year-old elder brother took his 7-year-old brother to fetch water.

Isang 7-anyos na batang babae ang ginahasa sa Hda Carmen, Brgy Granada, Bacolod City ng isang lalaki na estranghero sa lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Punong Brgy Armando Vito, sinabi nito na noong Hunyo 29, bandang alas-4:00 ng hapon, isinama ng 9-anyos na kuya ang kanyang 7-anyos na kapatid na babae para mag-igib ng tubig.

Pinaupo ng kuya ang kanyang nakababatang kapatid sa bato habang umiigib ng tubig nang dumaan ang suspek at nakita niya ang 7-anyos na dinampot niya at dinala sa isang kubo.

Pagkatapos ay ginahasa niya ang biktima.

Hindi na nakatawag ng saklolo ang bata dahil nakita niya ang suspek na may dalang patalim.

Umiyak ang bata nang dumugo ang ari nito habang tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Ayon kay Vito, unang nagkuwento ang bata sa kanyang tiyahin at dahil sa kumalat ang kuwento sa lugar ay nagawa pang makatakas ng suspek habang kalaunan ay ini-report sa brgy hall ang insidente.

Sinabi rin ng bata na madalas siyang binibigyan ng pera ng suspek at nagpapahiram ng cellphone.

Nabatid na ang magkapatid lang ang magkasama sa kanilang bahay dahil bumibyahe ang kanilang ama at late umuwi habang may bagong pamilya ang kanilang ina.

Nabatid din na ang suspek ay may mga kamag-anak lamang sa lugar at dumadalaw lamang doon at may kasong panggagahasa.

Sinabi ni Vito na labis siyang nalungkot sa pinagdaanan ng bata at tiniyak niya na kapag hindi magsampa ng kaso ang ama, sila mismo sa brgy ang magbibigay ng hustisya para sa 7-anyos na biktima.