Tumama ang magnitude 7.1 na lindol sa Palimbang, Sultan Kudarat kaninang alas-10:15 ng umaga.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na naramdaman rin ang Intensity IV sa Jose Abad Santos sa Davao Occidental, Intensity III sa Mati City sa Davao Oriental at Glan Sarangani.

Intensity II naman ang naramdaman sa Maragusan, Davao de Oro, Tagum City, Davao Del Norte gayundin sa Libungan at Tulunan, Cotabato at Kiamba, Maitum, at Malapatan sa Saranggani kabilang pa ang Koronadal City South Cotabato at General Santos City.

Naramdaman rin ang Intensity I sa Davao City, Tantangan, South Cotabato at Lebak, Sultan Kudarat.

Niyanig rin ng Instrumental Intensity III ang bahagi ng Don Marcelino at Jose Abad Santos, Davao Occidental gayundin ang Glan at Malungon, Sarangani.

Instrumental Intensity II naman sa Tagum City, Davao del Norte, Digos City, Davao Del Sur, Matalam at Cotabato City.

Instrumental Intensity I rin ang yumanig sa Nabunturan, Davao de Oro, Davao City, Kidapawan City, Cotabato gayundin sa Maitum, Sarangani.

Kaparehong Intensity rin ang naramdaman sa T’Boli at Tampakan, South Cotabato, gayundim sa Bagumbayan, Esperanza, Isulan, Kalamansig, Lambayong, at Lebak Sultan Kudarat ay Bislig City sa Surigao del Sur.

Samantala, inaasahan naman ang aftershocks kasunod ng naturang lindol.