LEGAZPI CITY – Humigit kumulang 600 na mga manggagawa ang inaasahang makikinabang sa pagbubukas ng operasyon sa Disyembre ng pagawaan ng sardinas sa Bulan, Sorsogon.
Kilala ang naturang bayan sa panghuhuli ng tone-toneladang isda na tamban o “lawlaw” na ginagawang sardinas.
Papasok sa lalawigan ang isang korporasyon na tanyag sa paggawa ng dekalidad na sardinas sa bansa.
Bahagi ng mga programa sa imprakstraktura, patuloy rin ang pagpapalawak at pagsasaayos ng Bulan Fish Port na pinagdadalhan ng mga nahuhuling isda.
Pinagsisikapan rin ng provincial government sa pangunguna ni Gov. Chiz Escudero ang pagpapatatag ng labor force sa Bulan partikular na ang mga mangingisda para maging pangunahing supplier ng tamban na gagamitin sa paggawa ng sardinas.