dead ruminants due to ashfall from Mayon volcano

LEGAZPI CITY- Anim na mga ruminants ang naitalang namatay matapos ang pagbagsak ng malaking volume ng abo mula sa bulkang Mayon nitong weekend.

Ayon kay Albay Provincial Veterinary Office Head Dr. Pancho Mella sa pagtatanong ng Bombo Radyo Legazpi na kabilang sa mga ito ang apat na kalabaw at dalawang baka, habang nai-ulat naman na nawawala ag dalawang kalabaw at isang baka.

Ang ilan sa mga ito ay na-suffocate dahil sa abo habang ang ilan naman ay naluto ang balat dahil sa init nito.

Dagdag pa ng opisyal na dahil walang sariwang damo na maaaring makain ang mga alagang hayop ay patuloy ang pagbibigay ng tanggapan ng commercial feeds at ruminant concentrates.

Nabatid kasi na mahigit 40 livestock raisers ang apektado ng aktibidad ng bulkan mula sa naturang bayan.

Samatala, sinabi pa ni Mella na kung kailangan pang ilayo ang mga ruminants ay posibleng ilabas na ito sa bayan ng Camalig kung sakaling magpatuloy pa ang mga maitatalang uson.

Sa kasalukuyan ay isinasapinal pa ang iba pang mga tulong na maaaring ibigay sa mga apektadong livestock raisers.