LEGAZPI CITY – Nananatiling nakaalerto ang mga uniformed personnel sa lalawigan ng Masbate matapos ang sunod-sunod na pag-atake ng New People’s Army (NPA).

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Major Frank Roldan, Divison Public Affairs Office (DPAO) Chief ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, nasa 500 na sundalo ang naka-deploy sa buong lalawigan.

Ito ay upang matiyal ang kaligtasan ng mga estudyante, guro at mga residente laban sa teroristang grupo.

Sa katunayan, isang araw bago ang anibersaryo ng NPA kahapon muling nagpasabog ng bomba sa bayan ng Uson.

Napag-alaman na tinarget ng grupo ang mga miyembro ng pulisya kung saan isa sa mga ito ang sugatan.

Kung kaya’t, mas pinalakas pa ng mga awtoridad ang monitoring at pagbabantay sa lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Samantala, bumuo ang 9th Infantry Batallion ng ‘Task Force Sagip’ na kinabinilangan ng 903rd Infantry Brigade, 2nd Infantry Batalion, 9th Civil Military Operations Battalion at iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Heath.

Sa ilaim nito magsasagawa ng serbisyong medical at ba pang mga aktibidad upang mabawasan ang naranasang trauma at takot ng mga residente.