LEGAZPI CITY- Umabot sa 50 degrees celcius ang naitalang heat index sa Legazpi City kahapon, dakong alas-11 ng tanghali.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Christian Allen Torevillas, Weather Specialist, ang natailang temperatura ay nasa “danger category”, dahilan ng sobrang init at maalinsangang panahon na naramdaman sa buong maghapon.
Paliwanag ng weather specialist, “lowland” ang lungsod kaya prone sa pagkakaroon ng mataas na heat index tuwing summer season.
Paalala ni Torevillas sa publiko posible pang lumagpas sa 50 degrees celcius ang maitatalang temperatura sa Legazpi City sa darating na mga araw dahil na rin sa mas tumataas na porsyento ng pagkakaroon ng El Niño.
Dahil dito, importante aniya ang manatiling updated sa heat index, sundin ang mga paalala tulad ng palagiang pag-inom ng tubig, pag-iwas sa kape, tsaa o anumang alak at ang pag-iwas sa pagbibilad sa ilalim ng matinding init ng araw.