48-K na mga estudyante natulungan ng DSWD sa unang Sabado ng educational aid ng kagawaran

Tinatayang aabot sa 48,000 na mga estudyante ang natulungan ng DSWD sa unang Sabado ng educational assistance program ng kagawaran.

Ito ay sa pamamagitan ng online applications at walk in ng mga mag-aaral at magulang sa mga tanggapan ng ahensya.

Umaabot sa P141 million ang naipamigay kahapon sa mga estudyante sa buong bansa.

Sa darating na Sabado, inihayag ng DSWD na katuwang na nila sa pamamahagi ng ayuda ang DILG at mga LGU.

Mismong ang mga tauhan na ng tanggapan ang magtutungo sa mga lungsod at bayan para sa payout.

Nangako naman si DSWD Sec. Erwin Tulfo na babawi sila susunod na Sabado matapos ang aberya sa pamamahagi ng ayuda kahapon Agosto 20.