LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng isang volcanic earthquake at 44 rockfall events sa bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag.
Ito ay batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Matatandaan na nakataas pa rin ang alert level 2 sa bulkang Mayon kaya mahigpit ang isinasagawang pagbabantay sa mga aktibidad nito.
Samantala, naitala naman noong Enero 2 ang 288 tonelada ng sulfur dioxide flux.
Pinaiiwas naman ngayon ang pagpasok sa 6km radius permanent danger zone ng bulkan dahil ikinababahala ang posibleng pagtaas pa ng aktibidad nito.









