LEGAZPI CITY – Patuloy ang paglilibot at pagmonitor ng Department of Trade and Industry sa mga tindahan ng fire extinguisher kasabay ng selebrasyon ng Fire Awareness Month.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DTI Bicol Consumers Protection Head Ruben Sombon, sa nasabing nasabing hakbang, 40 fire extinguisher cylinder ang nakumpiska ng kanilang Consumer and Protection Division na walang Philippine Standard (PS) o Import Commodity Clearance (ICC) sa probinsya ng Sorsogon.

Ayon kay Sombon, walang standard mark ang nasabing mga produkto kung kaya’t hindi ito maaaring gamitin dahil sa posibleng magdala ito ng peligro sa buhay ng tao.

Kaugnay nito iningganyo ng ahensya ang publiko na huwag bumili o gumamit ng substandard na mga produkto at siguraduhin umanong mayroong safety mark ang mga bibilhing produkto.

Maliban sa pagkumpiska, papatawan din ng multa ang mga establisimyento at opisina base sa Department Administrative Order (DAO) No. 02, series 2017.

Inihayag ni Sombon, patuloy pa rin ang ahensya sa pagsasagawa ng mga sa mga tindahan ng fire extinguisher sa Bicol upang masigurong hindi substandard na produkto ang ipagbibili at mabinili ng publiko.