LEGAZPI CITY – Naghahanda na ang Albay Provincial Government para sa nakatadang expansion ng Bicol International Airport.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay Provincial Planning and Development Coordinator Arnold Onrubia, mayroong pinirmahang memorandum of agreement ang lalawigan bilang mamamahal ng pagbili ng lupa para sa naturang pagpapalaw ng paliparan.

Partikular sa mga maapektuhan sa naturang proyekto ang Barangay Burgos sa bayan ng Daraga kung saan nasa 40 na pamilya o households ang apektado.

Ayon kay Onrubia, naghahanda na ang lalawigan para sa strategic plan at para sa negotiations ng mga affected household.

Tiniyak nito na sa Barangay Burgos pa rin ililipat ang mga apektadong residente kung saan ay mayroong access sa kuryente, tubig, transportasyon at livelihood.

Samantala, inihayag ng opisyal na posibleng magkaroon na ng direct flight sa paliparan sa mga bansang Singapore, China at iba.

Ikinatuwa rin nito, dahil mas mapapalago ng naturang proyekto ang turismo at ekonomiya ng Albay.