LEGAZPI CITY – Umaabot na sa 8,200 na mga residente o nasa 2,800 na pamilya sa Bicol ang apektado ng malakas na pag-ulan at mga pagbaha epekto ng Habagat.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Gremil Naz ang tagapagsalita ng Office of Civil Defense Bicol, karamihan sa mga ito ay mga residente na nakatira malapit sa mga coastal areas o sa baybayin.
Dahil sa malakas na pag-ulan at hangin, nasa 40 kabahayan na malapity sa baybayin ang inabot ng malalakas na alon ng dagat.
May mga residente ang kinailangang pansamantalang lumikas papunta sa kanilang mga kaanak at naghintay na humupa ang sama ng panahon.
Ipinagpapasalamat naman ni Naz na walang naiulat na casualty sa kabilang ng nararanasan na matinding mga pag-ulan.
Mahigpit naman ang payo ng opisyal sa publiko na umiwas na muna sa mga landslide, flood at lahar prone areas ngayong patuloy pa ang pagbagsak ng malakas na pag-ulan.