LEGAZPI CITY – Muling nagpaalala ang state weather bureau sa publiko patungkol sa matataas na heat index na mararanasan ngayong buwan ng Hulyo dahil sa pinangangambahang tagtuyot dala ng El Niño.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazi kay Weather specialist Christian Allen Torevillas, tinatayang aabot sa 40 degrees celcius pataas ang posibleng maitalang mga heat index ngayong kasalukuyang buwan.
Kahapon, nang umabot sa 45 degrees celcius ang naitalang heat index sa bayan ng Virac sa Catanduanes, 44 degrees celcius sa Masbate City, 41 degrees celcius sa Legazpi City at sa Sorsogon City.
Ayon kay Torevillas, ang heat index na nasa 40 to 51 degrees Celsius ang nasa danger category na posibleng mauwi sa heat cramps at heat exhaustion.
Dahil dito ay pinaiiwas ang lahat na lumabas na bahay o magbilad lalo na ang mga may edad na dahil posible iton maging dahilan ng heat stroke.
Samantala, oras na mag-peak ang El Niño phenomenon asahan na aniya ang posibleng pagkulang ng supply ng tubig, ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin inaalis ang posibilidad ng pagkakaroon ng mga pulo-pulong mga pag-ulan sa ilang mga bahagi ng bansa.