LEGAZPI CITY- Nawalan ng matitirahan ang apat na pamilya o 14 na indibiwal matapos na matupok ng sunog ang kanilang bahay sa barangay Espinosa, Masbate City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Isaiah Bigol, CDRRMO ng Masbate , kasaluluyang nasa sa evacuation center sa Magallanes Coliseum ang mga apektadong pamilya.
Habang ang iba naman ay pansamantaka munang nakituloy sa kani-kanilang mga kamag-anak.
Malaki ang pasalamat ni Bigol dahil hindi na katawid pa ang apoy dahil sa nakatayong pader, at dahil na rin sa agarang pagresponde ng mga bombero.
Kaugnay nito, namigay na ng food packs ang lokal na pamahalaan kasama na rin ng P5,000 cash assistance.
Nakipagtulungan na rin ang ahensya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung kaya’t agad na rin itong namigay ng hygiene kits at iba pang sleepling kits.
Maliban rito, pinaplantsa na rin umano ang planong ayuda na mga construction materials.
Samantala, tumanggi munang magbigay ng impormasyon ang opisyal patungkol sa datos at dahilan ng sunog dahil hindi pa tapos ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection at Philippine National Police.
Nagpaalala naman si Bigol sa publiko na palagiang mag-ingat, lalo paa’t mas maganda umano ang preparasyon at huwag ng umabot pa sa response.