LEGAZPI CITY – Binigyan ng Department of Labor and Employment (DOLE) nin P19.7 millon na halaga ng assistance ang 3,604 na abaca-farmers beneficiaries sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Personal na tinanggap ni Catanduanes Provincial Governor Jospeh Cua ang tseke para sa nasabing asestemsya.

Ayon kay Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) Catanduanes Fiber Officer Bert Lusuegro sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, malaking tulong sa mga abaca farmers ang naturang ayuda upang makabangon sa pinsalang iniwal ng mga nagdaang bagyo.

Magtatrabaho ang mga benepisyaryo ng 15 araw at tatanggap ng minimum na kita na P365 kada araw o halos P5,000 sa loob ng kinsenas.

Umaasa si Lusuegro na bumuti na ang lagay ng panahon at matigil na ang mga nararanasang pag-ulan upang masimulan na ang proyekto anumang araw ngayong linggo.

Nilalayon ng hakbang na i-rehabilitate at muling mapalago ang mga plantasyon ng abaca sa lalawigan.