Nasakote ng mga kinauukulan ang hinihinalang high-grade marijuana o “kush” na natagpuan sa West Philippine Sea.
Unang nadiskubre ang kontrabando ng Western Naval Command sa pamamagitan ng Naval Task Force 41 matapos matagpuang palutang-lutang malapit sa Sabina Shoal sa West Philippine Sea.
Nabatid na nagkakahalaga ito ng P19.2 million.
Tinatayang aabot sa 16 kilos ang bigat ng naturang iligal na droga.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad kung saan nagmula ang naturang kontrabando.