LEGAZPI CITY – Tatlong volcanic quakes lamang ang naitala sa Bulkang Bulusan sa mga nakalipas na oras, ayon sa Bulusan Volcano Observatory ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sa kabila nito, nananatiling mataas ang sulfur dioxide emission sa bulkan na nasa 1, 255 tonelada sa loob ng isang araw batay sa tala noong Hunyo 15.

Nagkaroon naman ng katamtamang pagsingaw ng usok na umabot sa 150 metro ang taas at napadpad sa timog-kanluran at kanluran-timog-kanluran.

Namamaga pa ang paligid ng bulkan na nananatiling nakataas sa Alert Level 1 o low-level of unrest.