
Tatlong katao ang nasawi at tatlo ang sugatan sa isang aksidente sa San Fabian, Pangasinan.
Nangyari ito noong Abril 1, Miyerkules Santo.
Ayon sa imbestigasyon, pauwi na ang mga biktima sakay ng tricycle mula sa beach.
Napaulat na nag-overtake ang isang pick-up truck sa isa pang sasakyan ngunit hindi nito napansin ang tricycle ng mga biktima.
Namatay ang mga biktima nang mabangga sila ng isang pick-up truck at nakaladkad ang tricycle.
Ginagamot pa rin sa ospital ang mga sugatan.
Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang 25-taong-gulang na drayber ng pick-up.
Ayon sa mga ulat, lasing ang drayber ng pick-up nang mangyari ang aksidente.










