LEGAZPI CITY – Nagpapagaling na ngayon ang tatlong katao na nagtamo ng mga gasgas matapos mahagip ng tren ang sinasakyan tricycle sa Barangay Taladong sa bayan ng Camalig, Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Kapitan Almendo Navia ng Barangay Taladong, makikita sa CCTV footage ang isang tricycle na patawid sa riles habang maririnig naman ang busina ng paparating na tren.
Ayon sa pahayag ng tricycle hindi niya agad narinig ang busina ng tren kaya tuloy-tuloy sa papunta sa riles.
Nakuha pa sana nito na tumigil at umatras subalit nahagip pa rin kung saan tumilapon ang driver at ang pasahero nito na mag-lola.
Agad namang dinala sa Bicol Regional Hospital and Medical Center ang mga biktima na nagtamo ng mga gasgas.
Ayon kay Navia, mayroong mga pagkukulang ang Philippine National Railways kung saan walang bantay o sapat na security ang riles para sana sa mga dumadaaan.
Sa ngayon ay naglagay muna ng barangay tanod sa lugar upang matiyak na hindi na maulit ang naturang insidente.