LEGAZPI CITY – Umabot na sa tatlong barangay sa bayan ng Pio Duran sa Albay ang namomroblema sa suplay ng tubig dahil sa epekto ng El Niño.
Sa panayam ng Bmbo Radyo Legazpi kay Pio Duran Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office head Noel Ordoña, partikular sa mga apektadong barangay ang Agol, Binodegahan at Cuyayao.
Kaugnay nito agad na nagsagawa ng aksyon ang alkalde ng bayan sa pamamagitan ng pagrasyon ng tubig.
Gamit ang mismong truck na pagmamay-ari ni Mayor Allan Arandia, sinimulan na ang pagrasyon ng tubig sa mga residetneng apektado ng tagtuyot.
Ayon kay Ordoña, regular ang isinagawang pagrarasyon ng tubig upang maiwasan na magkasakit ang mga residente.
Samantala, maliban sa init ng panahon ay problema ri sa mga barangay an mahinang suplay ng kuryente na nakakaapekto sa opeason ng water pump.
Dahil dito, mayroong proposal ang lokal na pamahalaan sa climate change concern kung saan nag-apply sa People’s Survival Fund sa layuning magkaroon ng water treatment sa Panganiran River.
Target nito na magkaroon ng suplay ng tubig hindi lang sa mga household kundi maging sa mga taniman na papakinabangan ng mga magsasaka.