LEGAZPI CITY – Umaabot na sa 250 na ektarya ng pananim sa Albay ang naapektohan ng El Niño.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Engr. Jessie Baynas, Albay-Catanduanes Information Management Officer ng National Irrigation Bicol, nasa 1,000 ektarya ang projected areas na posibleng maapektohan pa ng tagtuyot.
Partikular na naaapektohan nito ay ang 3rd district ng Albay.
Subalit nilinaw ng opisyal na hindi naman totally damage ang nasabing 250 na ektarya dahil may ginagawa ng hakbang angahensya upang malabanan ang tagtuyot.
Kasama na dito ang paglilinis sa daluyan ng patubig at pagpapahiram ng mga water pumps sa mga magsasaka.
Umaasa naman si Baynas na sa pamamagitan nito ay hindi na lalawak pa ang pinsala na dulot ng Niño.