LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng 24 bagong mga kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa probinsya ng Albay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dr. Estrella Zenit, Provincial Health Officer, nasa 516 na ang aktibong kaso ng naturang sakit sa buong probinsya.

Sa kabila nito, nilinaw ng opisyal na sa ngayon hindi okupado ng mga COVID-19 patients ang mga ICU sa ospital na maganda umanong senyales na hindi pa malala ang ang sitwasyon hindi katulad noong nakaraang mga taon.

Paalala na lamang ni Zenit na kahit hindi kasing-seryoso ng mga nagdaang-taon, huwag pa ring maging kampante dahil mayroon pa ring mga hindi pa nagbabakuna.

Kaugnay nito, nangako na ang ahensya na ipagpapatuloy pa rin ang panghhikayat sa mga residente na magpabakuna at magpabooster na.

Importante pa rin aniya ang bakuna bilang proteksyon, pakiusap na lamang nito sa publiko na ipagpatuloy pa rin ang pagsusuot ng facemask partikular na sa mga matataong mga lugar at ugaliin pa rin ang paggamit ng alcohol.