A 23-year-old driver died after crashing into the center island of the national highway in Brgy. Malia-ao, Pavia, Iloilo. The victim was identified as Vann Iver Gaitan Rala, a student, resident of Alibhon, Jordan, Guimaras but temporarily residing in Sta. Barbara.

Patay ang 23 anyos na driver matapos sumalpok sa center island sa national highway sa Brgy. Malia-ao, Pavia, Iloilo.

Kinilala ang biktima na si Vann Iver Gaitan Rala, estudyante, residente ng Alibhon, Jordan, Guimaras ngunit pansamantalang naninirahan sa Sta. Barbara.

Lumalabas sa imbestigasyon na siya ay mula sa Sta. Barbara at patungo sa Iloilo City at nang makarating sa harap ng funeral parlor ay nawalan ito ng kontrol at tumama sa center island.

Sinabi ng kaibigan at kapatid ng biktima na nasa impluwensya siya ng alak bago ang aksidente.

Dahil sa impact, nagtamo siya ng malalang sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan. Samantala, nasira naman ang kanyang Yamaha Aerox motorcycle.

Dinala siya sa malapit na funeral parlor matapos ideklarang dead on the spot ng Pavia Municipal Physician.