LEGAZPI CITY- Aminado ang 2024 Most Outstanding University Graduate ng Bicol University na si Michael Francis Morales na hindi naging madali ang mga pinagdaanan nito sa pagpasok sa kolehiyo.
Kwento nito sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na apat na taon niyang pinaghirapan ang pagiging isang student leader at community volunteer.
Subalit aminadong hindi inaasahan ang naturang pagkilala, maliban pa sa pagtatapos bilang magna cumlaude.
Nabatid na kabilang sa mga criteria ng pagpili ng Most Outstanding University Graduate ang matataas na grado kasabay pa ng leadership o pagkakaroon ng involvement sa mga organisasyon sa loob at labas ng unibersidad.
Maliban pa dito ay mahalagang aspeto rin ang pagiging bahagi ng implementasyon ng mga programa at proyekto sa komunidad at pagiging bahagi ng mga acacemic at non-academic competitions.
Aminado si Morales na mahirap pagsabay-sabayin ang lahat subalit mahalaga na alam kung ano ang mga layunin sa buhay.
Dagdag pa nito na malaking tulong rin sa hinaharap ang naturang pagkilala sakaniya, subalit inigiit na hindi nasusukat ang tagumpay sa buhay sa anumang parangal.
Ayon pa kan Morales na alay niya ang naturang tagumpay sa kaniyang pamilya kabilang na ang kaniyang ama, biological mother, step-mother, na parehong mga guro, ang kapatid na sumuporta sa kaniyang pag-aaral habang nagta trabaho sa ibang bansa.
Ayaw umano niyang maisawalang bahala ang sakripisyo ng kaniyang mga mahal sa buhay.
Dagdag pa nito na nais niyang patunayan na tama ang ipinaglaban niyang desisyon na maging isang communication student.
Kaugnay nito ay nais umano niyang makapag bigay ng inspirasyon sa iba pang mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay kahalagaan sa youth empowerment.