LEGAZPI CITY – Nakapagtala ng dalawang volcanic earthquakes sa bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nasukat din ang bahagyang pagtaas sa sulfur dioxide kahapon, Hunyo 11 na nasa 720 tonelada.
Nakita rin ang panandaliang pamamaga sa naturang bulkan.
Sa kabila nito ay siniguro ng ahensya na nananatiling tahimik ang aktibidad ng bulkan sa nakalipas na mga araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Phivolcs resident volcanologist Dr. Paul Alanis, sinabi nito na hindi pa ikinukonsidera ang pagbababa ng kasalukuyang alert level 1 status sa bulkan.