The latest survey by OCTA Research showed that 66% or two out of every three Filipinos believed that vote buying would become rampant in the upcoming 2025 midterm elections.

LEGAZPI CITY – Lumabas sa pinakabagong survey ng OCTA Research na 66% o dalawa sa kada tatlong mga pilipino ang naniwala na magiging talamak ang bilihan ng boto sa papalapit na 2025 midterm election.


Ayon kay Octa Research Fellow Dr. Guido David sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ang nasabing survey ay merong 3% margin of error at sinalihan ng 1200 na respondents sa buong bansa na kanilang isinagawa noong nagdaang buwang ng pebrero.


Aniya, nakakagulat na mababa sa Davao kung saan ay 31% ang naniniwala na magiging talamak ang vote buying habang 99% sa Cagayan Valley ang naniniwala na may mangyayaring bilihan ng boto sa halalan.


Karamihan umano sa mga nagsabing talamak ang vote buying ay naniniwala rin na magiging negatibo ang resulta ng halalan sa kanilang lugar.


Sa edad 18-24 na mga respondents, 63% an nagsabi na talamak an vote buying sa May 12 Midterm election at mababa ang porsyento ng mga nasa edad 35-40 na may 58% habang 79% ng mga nasa edad 75 pataas ang naniniwala sa nasabing kalakaran.


Pwedeng ganito ang perception ng mga nasa edad 75 pataas ay dahil sa sila ang nabebenipisyuhan ng ibang mga ayuda na ipinapamahagi sa kasalukuyang panahon.


Paglilinaw nito na bilang researcher ay ginagawa lang nila ang kanilang trabaho na magbigay ng datos kaya’t nakikita nila ang naglilitawan na problema ng bansa.


Kung ikokompara umano sa mga nauna nilang data, halos pareho lang ang perception ng mga respondents na may kinalaman sa pagiging talamak ng vote buying sa Pilipinas.