LEGAZPI CITY- Dalawang magkasunod na aksidente sa kalsada ang naiulat sa bayan ng Bato sa probinsya ng Catanduanes.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PCpt. Francis Tabo, OIC COP Bato MPS, unang nirespundihan ng kanilang opisina sa tulong ng Bato MDRRMO ang aksidente kahapong ng gabi sa Brgy. Guinobatan.
Magkaibang direksyon umano ang dalawang motorsiklo, kung saan pinaniniwalaang dahil sa madilim na daan at mabilis na pagpapatakbo g sasakyan kinain na ng isang motorsiklo ang nasa kabilang linya.
Napag-alaman na parehong walang rehistro ang nasabing mga motor, walang lisensya ang isang driver, habang mayroon sana ang isa ngunit dahil sa hindi nya ito dala-dala, parehong na-ticketan ang dalawa.
Agad namang itinakbo sa ospital ang nasabing mga driver upang agad na mabigyan ng medikal na atensyon.
Matapos ang nasabing aksidente, kinaumagahan ng maiulat ang panibagong aksidente sa Brgy Mintay, kung saan menor de edad na estudyante ang isa sa mga driver na napag-alamang walang lisensya o rehistro ng minamanehong motor.
Na-impound ng mga awtoridad ang nasabing mga sasakyan at itinakbo sa pagamutan ang dalawa lalo pa’t nagtamo ng malalangsugat ang isa sa mga ito.
Sa ngayon, inaantay pa ng kapulisan ang magiging resulta ng isinagawang mga test upang malaman kung nakainom ang nasabing mga driver.
Sa kabilang dako, aminado si Tabo matagal ng problema sa nasabing bayan ang mga pasaway na motorista lalo pa’t ito umani ang pangunahing transportasyon ng mga residente.
Dahil dito, nangako ang opisyal ng mas magigin mahigpit sa pagpapatupad ng traffic laws upang maisalba ang buhay ng ga motorista at maiwasan ang anumang mga insidente.