Photo courtesy, Bryan Garrido

LEGAZPI CITY – Hindi na nagawa pang mailigtas ang dalawang menor de edad matapos na malunod sa karagatang sakop ng Brgy. Rawis, Donsol, Sorsogon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay John Jefferson Raso, staff ng Donsol MDRRMO, magkapatid ang biktima na isang 10-anyos na lalaki at 16-anyos na babae.

Una rito, naliligo sa dagat ang magkapatid kasama ang mga pinsan subalit napunta sa malalim na bahagi dahil sa malakas na current ng tubig.

Agad namang rumesponde ang rescue team matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa insidente at sinubukan i-revive ang mga biktima.

Subalit ng dalhin sa ospital idineklara itong ng mga doktor na dead on arrival.

Mahigpit ang paalala ni Raso sa mga magulang na huwag payagan ang mga menor de edad na maligo sa dagat lalo na kung wala kasamang nakatatanda upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari.