LEGAZPI CITY- Patuloy na pinaghahanap hanggang sa ngayon ang dalawang aktibista mula sa Tabaco City, Albay na naideklara na nawawala.
Ayon sa iilan na dinukot umano ang mga biktima.
Nabatid na simula noong buwan ng Agosto pa naideklara na nawawala ang dlawang mga biktima.
Ayon kay Gabriela Bicol Regional Coordinator Nica Ombao sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ang dalawang nawawalang biktima ay kilala sa pakikipaglaban ng mga ito para sa karapatan ng mga manggagawa sa rehiyon.
Aminado rin ito na hindi na bago ang kaparehong mga insidente dahil matagal ng nagkakaroon ng mga kaso ng abduction sa mga aktibista.
Pinuna rin ng grupo ang umanoy kawalan ng aksyon ng mga kinauukulan sa kaparehong mga insidente.
Samantala, patuloy naman ang panawagan ni Ombao na matapos na ang mga paglabag sa karapatang pantao na nararanasan ng mga progresibong grupo.