Secured na ang gold medal para sa Region 8, sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2026 sa Agusan del Sur.
Ito matapos maibulsa ng atleta na si Chrishia Mae Tajarros ang pinaka unang gintong medalya sa nagpapatuloy na sporting event.
Nangibabaw si Tajarros sa athletics, partikular sa 3,000 meter run secondary level.
Tinalo ng naturang atleta mula Eastern Visayas ang mga kapwa atleta mula sa iba’t ibang mga rehiyon.











