LEGAZPI CITY – Libu-libong mga residente, bisita at mga motorista ang nakikain at nakisaya sa Pinangat longest line and boodle fight sa bayan ng Camalig na kasama sa mga aktibidad ng Pinangat festival.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Tim Florece ang tagapagsalita ng lokal na gobyerno ng Camalig, nasa 1km ng pinangat na may 3,000 na servings ang inilatag sa Maharlika highway.
Libre itong pinakain sa lahat ng mga residente, mga empleyado ng ibat ibat ahensya ng gobyerno at maging sa mga motorista na dumadaan sa lugar.
Ayon kay Florece, tradisyon na sa Pinangat festival ang pagpapatikim ng bayan ng kanilang pinangat na sikat dahil sa sarap nito na kakaiba kumpara sa ibang mga lugar.
Binili ng lokal na gobyerno ang mga pinangat mula sa mga lokal na gumagawa nito kung kaya nakatulong pa sa mga residente.
Ngayong araw nakatakdang isagawa ang closing ceremony ng Pinangat festival kung saan magkakaroon ng maikling programa at may mga inimbitahan na performers.