LEGAZPI CITY – Umaabot sa 19,000 na mga atleta mula sa ibat ibang pribadong paaralan sa bansa ang maglalaban-laban sa 2024 Private Schools Athletic Association National Games na isasagawa sa lungsod ng Legazpi.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Francisco Dexter Sison ang Sports Officer ng Legazpi Schools Division Office, isang malaking event na naman ang napiling isagawa sa lungsod kung kaya matindi ang mga paghahanda na isinasagawa ng Department of Education.
Nilinisan at ipinaayos na ang mga klasrum na tutuloyan ng mga atleta at nagsagawa na rin ng repairs sa mga venue kung saan ilulunsad ang kompetisyon.
Mahigpit na ang koordinasyon sa Philippine National Police at mga barangay officials para sa pagbibigay ng seguridad sa publiko sakaling magsimula na ang aktibidad.
Magsisimula ang kompetisyon ngayong Hulyo 20 at magtatagal ng hanggang 26.