LEGAZPI CITY – Patay ang nasa 155 na katao at mahigit 230 ang sugatan sa malawakang pagbaha sa Tanzania.

Ayon kay Prime Minister Kassim Majaliwa, nasa 10,000 na kabahayan ang napinsala at mahigit 200,000 na katao ang apektado.

Nag-iwan din ng matinding danyos ang malakas na ulan na nagdulot ng pagbaha at landslides sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Maraming mga pananim ang nasira, ari-arian at mga imprastraktura tulad ng kalsada, tulay at railways.

Apektado rin ng baha ang Kenya na nasa border ng Tanzania sa East Africa kung saan 32 na katao rito ang namatay.