Nasa 15 indibidwal na ang naitalang patay matapos ang nangyaring paglubog ng RORO vessel sa Pilas Island, Basilan kaninang madaling araw.
Ayon sa mga kinauukulan na nasa 43 na iba pa ang nawawala at patuloy na pinaghahanap hanggang sa ngayon.
Nabatid sa paunang mga impormasyon na nasa 317 katao ang sakay ng naturang barko ng mangyari ang malagim na trahedya.
Sa isang panayam ay kinumpirma naman ng Coast Guard District Southwestern Mindanao na hindi naman overloaded ang naturang barko.
Dahil dito ay patuloy pang inaalam ang sanhi ng aksidente.
Samantala, agad naman na naitakbo sa pagamutan ang mga survivor sa insidente.











