LEGAZPI CITY-Bangkay na nang matagpuan sa Pier ng Barangay Sabang, Legazpi City ang labing apat na taong gulang na batang lalaki na naitalang nawawala matapos umanong maanod sa Barangay Salvacion sa Sto. Domingo Albay.
Ayon kay Albay Police Provincial Office Director Police Colonel Noel Nuñez, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na kumpirmadong ito mismo ang katawan ng nawawalang bata sa Sto. Domingo Albay simula ika-7 ng Disyembre 2025.
Idinala na ang bangkay ng 14-yr old na bata sa isang general service.
Kung babalikan, nagpaabot ng panawagan sa Bombo Radyo Legazpi ang ina ng bata na si Jen Mendoza kahapon tungkol sa kanyang nawawalang anak na posibleng nalunod sa kasagsagan ng malalakas na pag-ulan sa rehiyon dahil sa epekto ng Tropical Depression “Wilma”.
Nakuha an bangkay ng bata kasunod ng isinagawang Search, Rescue and Retrieval operation ng mga otoridad sa kabilang ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard at Philippine Air Force.
Dagdag pa ng opisyal na handang tulungan ng mga otoridad ang pamilya ng nasabing biktima.
Panawagan din sa publiko lalo na sa mga nakatira sa danger zone na sa ganitong sitwasyon at panahon, maging maagap at iwasan ang mga lugar na ito para maiwasan ang mga sakuna.











