LEGAZPI CITY – Bangkay na nang matagpuan ang isang 14-anyos na dalagita na naiulat na nawawala sa Brgy. Tula- Tula Grande, Ligao City, Albay.

Kinilala ang biktima na si Jhanin Quinto Dela Torre na residente ng naturang lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PLt.Col Ruel Pedro, hele ng Ligao City Police Station, batay sa kwento ng mga kamag-anak na niyaya ang biktima pagdating mula sa paaralan ng mga barkada para maglaro sa labas.
Matapos nito napag-alaman na nanguha rin ng gulay at namulot ng niyog.

Subalit pagsapit ng mga bandang alas-5:00 ng hapon ay hindi pa nakakabalik ang biktima sa kanilang bahay na hindi naman nito malimit gawin.

Dahil dito, nag-alala na ang pamilya at humingi na ng tulong sa barangay upang hanapin ang dalagita sa pag-akalang baka natuklaw ito ng ahas dahil masukal ang lugar na pinagkukunan ng gulay.

Sa paglilibot ng mga awtoridad, may nakita ang isang tanod na pares ng tsinelas at mga damit na nakumpirmang pag-aari ng biktima.

Bunsod nito, hinalughog ang lugar hanggang sa matagpuan ang katawan ng biktima bandang alas-10:00 na ng gabi na nakatago sa malalim na bahagi ng ilog at may mga takip pa na mga bato.

Nakuha ito na walang saplot at pinaniniwalaan din na pinukpok ng matigas na bagay sa mukha.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, sinasabing nanlaban ang biktima at posibleng kilala ang suspetsyado kung kaya’t pinagsusundok din ang mata na nagkaroon ng hematoma.

Sinabi pa ni Pedro na malapit lang sa bahay ng biktima ang pinangyarihan ng insidente na nasa 500 hanggang 60 meters ang layo.

Sa ngonyan, patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang makilala ang nasa likod ng naturang malagim na krimen.

Habang hustisya naman ang sigaw ng naulilang pamilya.