LEGAZPI CITY- Sugatan ang nasa 12 indibidwal matapos mabangga ng isang pampasaherong tren ang sinasakyan nitong Toyota Hi-ace van sa Barangay Gapo, Daraga, Albay.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Legazpi mula sa Albay Police Provincial Office, nabatid na tumawid sa riles ang naturang van patungo sana sa Barangay Dinoronan mula sa Barangay Pandan sa bayan ng Daraga ng mabangga ng tren.

Ang naturang tren ay patungo naman sa lungsod ng Legazpi mula sa Sipocot, Camarines Sur.

Ayon sa ulat ng mga otoridad ay nakaladkad pa ng halos 78 ft ang naturang sasakyan na dahilan ng pagtatamo ng sugat ng mga sakay ng nito.

Samantala, agad naman na naitakbo sa pagamutan ang mga biktima upang lapatan ng medikal na atensyon.

Sa kasalukuyan ay patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.