LEGAZPI CITY- Na-letson ng buhay ang 11 mga baboy sa nangyaring sunog sa Barcelona, Sorsogon sa gitna ng mahigpit na kampanya kaugnay ng Fire prevention Month.
Ayon kay SFO1 Loilito Canares Jr., Fire Marshall BFP Barcelona sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nangyari ang sunog sa isang bahay sa Brgy Luneta alas-7 ng gabi kahapon.
Agad namang nagresponde ang mga bombero nang matanggap ang impormasyon ngnunit pagdating sa lugar malaki na umano ang apoy dahil gawa sa light materials ang halos kabuuan ng nasabing bahay at dahil na rin sa epekto ng hanging dala ng Amihan.
Base sa inisyal na imbestigasyon lumabas na ang sinunog na basura sa labas ng bahay ang naging mitsa ng insidente, kung saan wala umanong tao sa bahay dahilan upang hindi agad maagapan ang sunog.
Napag-alaman na si Antonia Goyena Evasco may ari ng natupok na bahay na nagsisimba ng mga oras ng insidente.
Malaki ang naging pasasalamat ni Canares na wala ng ibang nadamay na ibang mga bahay dahil sa may distansya an mga ito, ngunit hindi naitago ng opisyal ang panghihinyang sa mga alagang baboy ni Evasco na kasama sa mga nasunog ng apoy.
Sa initial estimate ng mga awtoridad nasa P50,000 na ang halaga ng constructural damage dahil sa isnidente ngunit mas tataas pa umano ito kung isasama ang halaga ng mga natupok na kagamitan o appliances sa loob ng bahay at maging ang halaga ng livestock.
Samantala, nanawagan naman si Canares sa publiko sa ganitong mga insidente, unahing tumawag at ipaalam sa mga awtoridad ang nangyayari kaysa magpot o maglivestream sa social media upang agad na makapagresponde ang mga rescuers at bombero.