LEGAZPI CITY—Nagsailalim ang nasa 100 public utility vehicle drivers sa isang random drug testing na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office V, Land Transportation Office Bicol sa Legazpi City Grand Terminal.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Bicol Public Information Officer Carlo Fernandez, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ang nasabing aktibidad ay inisyatiba ng Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa pakikipagtulungan sa PDEA Bicol.

Ayon sa opisyal, walang indibidwal ang naitalang nagpositibo sa random drug testing.

Aniya, isa itong indikasyon na nakakarating sa mga mamamayan ang kanilang mga paalala hinggil sa banta ng paggamit ng ilegal na droga.

Samantala, sinabi rin ng opisyal na ang kanilang random drug testing ay hindi nangangahulugan na gusto nilang mawalan ng trabaho o pahirapan ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan kundi upang matiyak na ligtas ang kanilang pagbiyahe at para na rin sa kapakanan ng mga pasahero.