LEGAZPI CITY – Aabot sa 100 katao ang libreng makakapagpa-opera sa ilulunsad na humanitarian mission ng Pilipinas, Estados Unidos at South Korea sa Legazpi City.
Bahagi ito ng humanitarian mission ng taunang Pacific Partnership kung saan magtutulongan ang navy ng tatlong bansa upang magbigyang serbisyo sa mga nangangailangan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dr. Francis Gomez ang City Health Officer ng Legazpi City, isasagawa ang libreng minor surgery mission sa Legazpi City Hospital sa darating na Agosto 6, araw ng Martes.
Napili na ang mga benipisyaryo mula sa isinumite na mga request.
Kasama sa mga isasagawang operasyon ang surgery para sa bukol, problema sa tenga, mata at iba pa.
Maliban diyan, nakatakda rin na magsagawa ng basic life support at first aid training ang Pacific Partnership sa darating na Agosto 9 sa Philippine Ports Authority.