LEGAZPI CITY – Ibinida ng Department of Education (DepEd) Bicol na matagumpay ang unang araw ng pagbubukas ng klase ng School Year 2021-2022 ngayong nasa gitna pa rin ng pandemya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DepEd Bicol Director Gilbert Sadsad, walang anuman na aberya na naitala sa pagbubukas ng klase noong Setyembre 13.

Mayorya kasi ng mga paaralan at guro ay napaghandaan ang blended learning ngayong school year.
Kahit aniya sa lalawigan ng Masbate na dinaanan pa lamang ng bagong Jolina ay nakapamahagi na rin ng modules sa mga estudyante.

Subalit sa lalawigan ng Albay, malaking problema pa rin ang nararanasang palagiang brownout dahil apektado nito ang online class maging ang internet connection.

Samantala, 96% nang kompleto ang mga pangangailangan ng mga paaralan.

Sa ngayon ay naabot na ang target na 1.6 million na bilang ng enrollees ng tanggapan kung saan inaasahan na dadami pa ang mga magpapa-enroll matapos na palawigin ang enrollment hanggang Setyenmbre 30.