LEGAZPI CITY – Umabot sa 10 pagyanig ang naitala sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na mga oras.
Batay sa inilabas na volcano bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong umaga, Hulyo 23, naobserbahan rin ang mahinang buga ng puting usok na umabot sa 20 metro ang taas.
Mula ito sa aktibong vent sa timog-silangang vent sa ibabang bahagi ng Bulusan.
Nananatili sa Alert Level 1 status o abnormal na lebel ang naturang bulkan.
Patuloy naman ang paalala ng Phivolcs sa mga residente na iwasan ang pagpasok sa 4-kilometers Permanent Danger Zone at maging alerto ang mga nasa 2-kilometers Extended Danger Zone ng bulkan dahil sa posibleng phreatic eruptions.