LEGAZPI CITY- Nagpapatuloy ang isinasagawang monitoring ng mga kinauukulan sa aktibidad ng bulkang Mayon.
Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay nagkaroon ng sampung rockfall events sa bulkan sa nakalipas na magdamag.
Nasa 200 tonelada naman ng sulfur dioxide flux ang naitala noong Disyembre 26.
Sa kasalukuyan ay nakataas pa rin ang alert level 1 sa bulkang Mayon.











