LEGAZPI CITY- Inanunsyo ng provincial government ng Sorsogon na aprubado na ng Department of Budget and Management ang planong expansion sa Matnog port.
Ayon kay Dong Mendoza, tagapagsalita ng Provincial Government ng nasabing lalawigan, ang matagal nang problema ng ilang mga pasahero at negosyante ang nagtulak upang simulan ang plano.
Ang pagpapalawak ng pantalan ng Matnog ay may lawak na 10 ektarya kung saang inaasahang masisimula na ngayong taon.
Maliban sa natanggap nga mga reklamo, layunin rin umano na mapalawak ang pantalan upang mas marami ang ma-accomodate na mga sasakyan at pasahero.
Dagdag pa ni Mendoza na ang expansion ang nakikita nilang paraan upang masolusyunan ang sitwasyon kapag mayroong sama ng panahon o may espesyal na selebrasyon gaya ng Pasko, kung saan siksikan ang mga pasahero.
Aniya, ang tulad nitong mga hakbang ang makakabawas sa mahabang pila upang di na kailangang maghintay sa highway ng mga sasakyan at upang makapagbigay ng mas maayos na serbisyo.