LEGAZPI CITY-Nakaranas ng malalakas na pag-uulan at pagbaha ang bayan ng Tiwi, Albay dahil sa masamang panahon na dala ng Bagyong Verbena sa ilang lugar sa nasyun.


Ayon kay Tiwi Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Head Manuel Damo, sa isang panayam ng Bombo Radyo Legazpi, naitala ang nasa 249.5 millimeters na pag-uulan sa loob ng 18 oras kung saan nagdulot ito ng pagbabaha sa ilang kalsada sa mga barangay.


Mayroong rin na sampung barangay na apektado dahil sa pagbabaha depende sa kanilang lokasyon malapit sa tubig.


Nasa dalawang lugar rin sa bayan an umabot hanggang sa baywang ang tubig baha.


Bukod pa rito, binigyan din ng prayoridad ang lugar na flood prone at nagsagawa rin ng paglikas sa mga lugar na may posibilidad ng pagguho ng lupa.


Magkakaroon din ng clearing operations sa mga lugar na apektado ng baha at para naman sa mga estudyante, magbabalik ang klase sa Nobyembre 27, 2025.


Pinaalala ng opisyal sa lahat na habang nagpapatuloy pa rin ang pag-uulan, ang lumikas muna sa mga evacuation center o sa kanilang mga kamag-anak para sa kanilang kaligtasan.