Bumagsak ang isang helicopter sa Sitio Upper Barak, Quisao, Pililla, Rizal nitong umaga lamang. Marso 3, 2026.
Ang naturang sasakyang panghimpapawid ay isang Bell 505.
Ayon sa paunang impormasyon na ang naturang helicopter ay may lulan na lima katao.
Nabatid na isa ang kumpirmadong binawian ng buhay dahil sa aksidente.
Dalawang iba pa ang kritikal habang nagtamo naman ng minor injuries ang dalawang iba pa.
Samantala, iniimbestigahan naman sa ngayon ang sanhi ng naturang aksidente.
Courtesy: Cholo Bautista Francisco











